Flict-G - Pagsikat Pagyaman Pagyao (Official Lyric Video) - Pinoy Trending Stuffs | OPM Lyrics

Pinoy Trending Stuffs | OPM Lyrics

OPM lyrics and Pinoy Videos

Breaking

Monday, February 10, 2020

Flict-G - Pagsikat Pagyaman Pagyao (Official Lyric Video)

Flict-G - Pagsikat Pagyaman Pagyao (Official lyric video)







All video here is embedded only from  www.youtube.com


"Pagsikat Pagyaman Pagyao" lyrics:


Gusto kong sumikat para mukhang kagalang galang
Para kahit wala kong pera magmukha akong mayaman
Oo gusto kong sumikat para maalala ng kaibigan
Tapos pag hindi ako nagreply lumaki na yung ulo, mayabang
Gusto kong sumikat kaso lang nakakatakot
Pag di ako nagpautang ako pa yung madamot
Oo gusto kong sumikat alam mo ba kung bakit?
Para arboran mo ng cap, cd at ng mga gamit
Oo gusto kong sumikat sikat sa mga hiphop
Para mdamay yung asawa ko pag battle ko sa fliptop
Oo gusto kong sumikat sikat sa mga tao
Para pag di ako nagreply sa chat sabihan akong suplado
Oo gusto kong sumikat sikat lang na humble
Yayain sa inuman tapos pilitin nyo mag-sample
Oo gusto kong sumikat para maraming kaibigan
Tapos pag laos ka na ayun bigla kang iiwanan
Gusto kong sumikat gusto ko ng pagbabago
Mga sipsip sa opisina ayoko nang katrabaho
Gusto kong sumikat kunyari matalino
Pag nagkamali ako tawagin nyo kong bobo
Oo gusto kong sumikat magkaroon ng mga tropa
Mapa-ibang landas tapos malulong ako sa droga
Oo gusto ko sumikat sa mainstream mapasama
Para plastikin ako ng mga hiphop na purist
Oo gusto kong sumikat pag-usapan bawat oras
Pati pribado kong problema alam ng buong Pilipinas
Oo gusto kong sumikat para marami na kong pera
Tapos maalala ko lang yung Diyos kapag meron akong problema
Oo gusto kong sumikat ayokong magtrabaho
Ayokong murahin ng palihim yung kuripot kong mga amo
Masarap pala sumikat gustong gusto ko to grabe
Pagtalikod ko puro bulungan at ang dami na nilang sinasabi

Sabi nila ang pagsikat mabigat na karga sa balikat
Minsan magaan minsan ay para ka namang pinupulikat
Minsan malungkot minsan masaya minsan ay nakakapagod
Di bale na kung ganon basta ang mahalaga kumakayod

Sabi nila ang pagsikat mabigat na karga sa balikat
Minsan magaan minsan ay para ka namang pinupulikat
Minsan malungkot minsan masaya minsan ay nakakapagod
Di bale nang ganon basta ang mahalaga kumakayod

Dahil gusto kong yumaman dumami yung pera balang araw
Maupo sa gobyerno magpasarap at magnakaw
Oo gusto kong yumaman araw-araw sa casino
Pag naubos yung pera magbaril na lang ako sa ulo
Gusto kong yumaman maraming ari-arian
Dahil sa lupa sa kamag-anak makipagpatayan
Gusto kong yumaman bumiyahe at magtrip
Hanggang sa di ko na alam kung magkano yung pamasahe sa jeep
Gusto kong yumaman alak yosi hanggang sa maduwal
Pagtanda ko uubusin ko yung ipon ko sa ospital
Oo gusto kong yumaman milyon-milyon sa maleta
Mahalin ako ng asawa ko nang dahil lang sa pera
Gusto kong yumaman ang dami kong bibilhin
Bibili ako ng mga sapatos tapos hindi ko naman susuotin
Bibili ako ng mga ganyan bibili ako ng mga ganto
Bibili ako ng mga bagay na hindi ko naman gusto
Sabi nila kayamanan ang sagot sa kahirapan
Tapos nung nagkapera lalo silang nahirapan
Di mo ba napapansin pag nilamon ka ng sistema
Kung marami kang pera mas marami ka ring problema
Di mo mamamalayan pag namatay ka na
Ang inipon mong kayamanan sa iba lang mapupunta
Naghukay ka ng kayamanan sa baba walang lumabas
Dahil ang tunay na kayamanan ay nandon sa taas

No comments:

Post a Comment

Pages

COPYRIGHT 2020-2021 (Pinoy Trending Lyric Stuffs)
Crafted with by OPM Songs | Shared by

Pinoy Trending Lyric Stuffs