Flict-G, Spyker & Diziplint - Prayoridad (Official Lyric Video) - Pinoy Trending Stuffs | OPM Lyrics

Pinoy Trending Stuffs | OPM Lyrics

OPM lyrics and Pinoy Videos

Breaking

Friday, March 20, 2020

Flict-G, Spyker & Diziplint - Prayoridad (Official Lyric Video)

Produced by Flict-G & Spyker
Instrumental produced by Jason Haft
Performed by Flict-G, (Spyker & Diziplint of Floetic Hustlaz)





All video here is embedded only from  www.youtube.com


"Prayoridad" lyrics:


Halika na kapatid
Sabay nating hamunin ang mundo
Walang sasayanging mga oras
Gawin na ang prayoridad sa buhay mo
Pag ito’y nakamit mangako ka
Na lilingon pa rin sa umpisa
Walang palalampasing mga araw na lilipas bigyan mo ng
Puso at pagpapahalaga

Gigising ng maaga bakit ba ‘ko bumabangon
Para sa anak para meron silang mabaon
Walang bigas sa amin kaya walang masaing
Kailangan kong kumilos nang sa mesa may mahain
Ang gabi ginagawa kong araw
Walang kapaguran dinaig pa kalabaw moooo!
Kaya pass muna sa mga gimik at barkada
Medyo busy lang prayoridad ang inuuna
Ang daming bayarin patong patong naka pila
Merong pinapakain at meron akong pamilya
Kayod lang ng kayod ba-bawal ang mapagod
Sugod lang ng sugod pagapang o paluhod
Oras sakin ay ginto mahalaga bawat minute
Walang dapat sayangin kahit na isang segundo
Focus lang palagi sa aking ginagawa
Lahat ng tinanim sa huli ay magbubunga

Halika na kapatid
Sabay nating hamunin ang mundo
Walang sasayanging mga oras
Gawin na ang prayoridad sa buhay mo
Pag ito’y nakamit mangako ka
Na lilingon pa rin sa umpisa
Walang palalampasing mga araw na lilipas bigyan mo ng
Puso at pagpapahalaga

Magsikap magtiyaga yan lang ang lagi kong sagot para ma-prayoridad ko ang pamilyang binuo
Di magagawang tumigil at hindi magpapapigil hanggat di ko nakakamit ang mga nanaisin ko
Sa aking buhay yan ang katagumpayan kahit anong pagsubok yan hindi ko mahihindian
Basta maiibungad ko ang pangangailangan nila lahat susuuingin para sa kinabukasan ng aking pamilya
Yan ang aking prayoridad wala sa bokabularyo ko ang tatamad-tamad
Kaya bigyang abilidad ang bawat hakbang mo nilalang sa bawat hamon di alam kung anong hahantungan
Basta’t isipin mo lang ang iyong kakayahan ay kayang maibigay at iyong makakamtan
Ang mga pangarap mo sa buhay mo gawin mong prayoridad yun ang isipin mo

Halika na kapatid
Sabay nating hamunin ang mundo
Walang sasayanging mga oras
Gawin na ang prayoridad sa buhay mo
Pag ito’y nakamit mangako ka
Na lilingon pa rin sa umpisa
Walang palalampasing mga araw na lilipas bigyan mo ng
Puso at pagpapahalaga

Lumilipas ang panahon dapat nang magbago
Kailangan nang kumayod tumatanda na tayo
Eto na ay sapalaran gawan mo ng paraan
Dapat mo nang gamitin natutunan sa paalaran
Kun’ dati palaro-laro lang malakas magdota
Ngayon pambayad-utang na lang yung katas na sobra
Kung wala kang kinikita pare dapat kang magduda
Kailangan abutin ang kota pambayad ng upa
Magbanat ka na ng buto di na uso tumambay
Maghanap kang pagkain mo magluto ka sa bahay
Dapat dumiskarte tapos matuto kang masanay
Wag nang maarte dapat marunong makibagay
Sa hirap ng buhay bawal ang tutulog-tulog
Kundi yung tiyan mo sa gutom ay tutunog-tunog
Wag kang umasa sa magulang mo na uugod-ugod
Dapat unahin ang prayoridad para busog lusog

Halika na kapatid
Sabay nating hamunin ang mundo
Walang sasayanging mga oras
Gawin na ang prayoridad sa buhay mo
Pag ito’y nakamit mangako ka
Na lilingon pa rin sa umpisa
Walang palalampasing mga araw na lilipas bigyan mo ng
Puso at pagpapahalaga

Halika na kapatid
Sabay nating hamunin ang mundo
Walang sasayanging mga oras
Gawin na ang prayoridad sa buhay mo
Pag ito’y nakamit mangako ka
Na lilingon pa rin sa umpisa
Walang palalampasing mga araw na lilipas bigyan mo ng
Puso at pagpapahalaga

No comments:

Post a Comment

Pages

COPYRIGHT 2020-2021 (Pinoy Trending Lyric Stuffs)
Crafted with by OPM Songs | Shared by

Pinoy Trending Lyric Stuffs