MC Einstein ft. Yuridope x Jekkpot x Flow G : Bahala Ka Lyrics - Pinoy Trending Stuffs | OPM Lyrics

Pinoy Trending Stuffs | OPM Lyrics

OPM lyrics and Pinoy Videos

Breaking

Tuesday, December 29, 2020

MC Einstein ft. Yuridope x Jekkpot x Flow G : Bahala Ka Lyrics

   

Di mo manlang ba lilingunin?
Kanina pa ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan, bigla mo pa kong susungitan
Edi bahala ka

Hanap ako ng hanap ikaw iwas ng iwas
Gusto sayong yumakap kaya pakitang gilas
A-a-e ganyan mo pa ko astahan
Tinatanong ka lagi ang sagot mo basta lang oy
Oo lang naman ang gusto ko na marinig
Ako na ang bahala lagi satin sa kilig
Ako diba ang dali lang kaso may mali
Ikaw kasi ayaw pa sakin na sumama pauwi e
Ikaw bahala wala tong sisihan
Kaya pasensya ko’y di mo na maiiklian
Pano ubos na at simot sayo kakaabang
Ngalay na din likod mo lang palagi ang katitigan


Di mo manlang ba lilingunin?
Kanina pa ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan, bigla mo pa kong susungitan
Edi bahala ka

Ano ang kulang bakit di kuntento
Sa sinasabi ko na di naman imbento
Kasi ang dami ko ng kwento pero para bang walang epekto to
O talaga lamang na iyong sinasadya to
Mabalewala lahat palabasing hindi sapat
Sa bawat banat mo at hugot habang pinagtatapat
Ang nadarama parang drama na
Ang sa puputahan na wag ng umasa pa kase marami pa namang iba
Wooh! Sana nagbibiro ka lamang
Ng di mo pagsisihan bakit mo ako sinayang
Sakin minsan lang ang mabaliw sa niligawan
Ikaw pa ang may ayaw di ko na yan kasalanan ha
Nasayang porma ko at pabango nako
Nagbago na takbo ng utak ko nagtampo na sayo
Kasi ang gaga mo akala mo pag-ibig ko’y laro lang
Lambing ang kailangan ko wag mo akong sungitan

Di mo manlang ba lilingunin?
Kanina pa ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan, bigla mo pa kong susungitan
Edi bahala ka

Ano pang kailangan kong gawin para yong atensyon mo ay limusin
Gusto mong isakay ka pa sa limousine
Akitin sa bagay na di mo kayang bilhin
Gusto ko rin naman yan kaso nga lang la ko ni kusing
Pero di mo pwedeng ismolin
Sakin di ka mag-uulam ng asin
Ang dami kong naipong mga baka sagutin
Ikaw ang gusto ko kaya puro baka yung dumating
Ako naman yung nandito lagi pero bakit pailing
Ako yung dumating kaso di ako hiling
Sa hirap at ginhawa ay handa kang gustuhin
Ang hirap lang sayo hirap ka ring ako ay gustuhin sows!
Baka mamatay akong dilat
Patagal ng patagal ay pailap ka na ng pailap
Pahirap ng pahirap wala ng tyansang mainlove
Kung ayaw mo di wag

Di mo manlang ba lilingunin?
Kanina pa ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan, bigla mo pa kong susungitan
Edi bahala ka

Di mo manlang ba lilingunin?
Kanina pa ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan, bigla mo pa kong susungitan
Edi bahala ka


No comments:

Post a Comment

Pages

COPYRIGHT 2020-2021 (Pinoy Trending Lyric Stuffs)
Crafted with by OPM Songs | Shared by

Pinoy Trending Lyric Stuffs