Flow G ft. Gloc-9 : Ibong Adarna Lyrics - Pinoy Trending Stuffs | OPM Lyrics

Pinoy Trending Stuffs | OPM Lyrics

OPM lyrics and Pinoy Videos

Breaking

Tuesday, April 27, 2021

Flow G ft. Gloc-9 : Ibong Adarna Lyrics

   

[Verse 1: Flow G]
Mahal kamusta?
Masarap ba gising mo buti nakatulog ka
Ako eto simula nung nangyari lahat 'to ay binabangungot na
Ligaw na ligaw 'di alam kung sa'n pupunta halos malunod na
Dahil sa pagkalugmok may halong lungkot kaya laging nagluluksa
Nabugbog pa kahit utak ko lang ang kalaban ako ay nadurog
Kahit na sa tinik ako ay natusok ay naging tahimik hindi na rin para humugot
May luhang tutulo tuwing nakamukmok ako sa ilalim ng kumot
Ako ay nahulog biktima sa sitwasyon na may aral pa ring mapupulot
Pero 'wag mag-aalala kahit papa'no nakakahinga
Hindi nakatulong 'yung kasabihan kapag napaagod ay kailangan lang magpahinga
Ilang gabi na nakadilat pa rin ako kahit gabing-gabi na
Pero hindi pa rin magmakaawa kahit kawawa’t aping-api na
Ikaw kamusta ka d'yan sana hindi mo 'to mapakinggan
Kase ayaw ko sabihin mo sa sinabi ko ikaw ang pinaparinggan
Sumakay ako sa alon ko kase akala ko pareho tayo na gustong magkapitan
Eh 'di sana hindi sana nagkainteres sa interes eto bunga ng kapital, 'di ko alam

[Chorus: Flow G]
Hindi ko alam kung pa'no nangyari 'to lahat
'Yung pinaghirapan natin dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari’t naganap
Kaya maging ako'y gulat na gulat
Mga alaala na nakakatakot maalala
Naranasan nating dalawa ng magkasama
Wala na, napalitan na ng lungkot ang ligaya 'yun ang 'di ko kaya

[Verse 2: Flow G]
Buti ka pa parang hindi mo iniinda
Habang ako ay hirap matulog at sana'y hindi na gumising pa
Gusto ko ng medisina para hindi na makadama nasakit sa tuwina
Pampamanhid bibilhin ko agad kung meron man nagtitinda
'Di ko na pinilit alamin 'yung totoo kase iniisip ko baka mas lalong gumulo
'Yung sabay natin na binuo nawala rin kaagad kase puno ng alaalang madugo
Pagka mag-isa nakaupo madalas nakayuko kasabay ng luha ayaw matuyo
'Pag may kaharap na ibang tao naku po magpapangggap na buo
Kailangan masaya ako palagi kahit 'di na katulad ng dati
Para 'di nila isipin na nahihiripan ako sa lahat ng nangyayari
Sinasarili ang bawat kirot na pinapasan sa likod
Dapat nagtataka lagi kung bakit bulok ang binunga imbis na hinog
Mahirap magpanggap na ayos lang
Kaso kailangan sa ganitong kaganapan ay dapat agapan makita ang iyong kahinaan
Para hindi kaawaan o pagtawanan
Mahirap pa lang maranasang masaktan sa kamay ng kapiling pakisamahan

[Chorus: Flow G]
Hindi ko alam kung pa'no nangyari 'to lahat
'Yung pinaghirapan natin dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari’t naganap
Kaya maging ako'y gulat na gulat
Mga alaala na nakakatakot maalala
Naranasan nating dalawa ng magkasama
Wala na, napalitan na ng lungkot ang ligaya 'yun ang 'di ko kaya

[Verse 3: Gloc 9]
Sana ako ay tulad ng iba
Kaya kang iwanan d'yan ng mag-isa
Luha mo ay hindi pupunasan
Tatawanan pagkatapos sugatan, hindi gano'n
Tinulungan kang makalipad
Para sa'yo’y nakahanda ko’ng gawin ang lahat
Wala na sa'king natira baliwala pa
Pakinggan niyo ang makabagong istorya ng Ibong Adarna

Bakit gano'n ang panahon ako ay napakaraming tanong
Akala ko ay dinala kita sa palasyo pero sabi mo ay kinahon
Ang dating tayo na palaging masaya at nasasama ng matiwasay
Init ng apoy na namamatay panggatong ako na lamang ang naglalagay
Ano ba sa iyong palagay inakay na kita makadaan sa landas na madilim
'Di naman ako 'yung tipong na lalaki Iiwanan ka na lamang kase natapos na kitang pitasin
Napakahirap abutin 'di mo ba napansin, dinidiligan ko ang iyong hardin
Inaabangan na dumating bakit madalas ka na yatang inabutan ng dilim

O bakit parang lumalalim ang sugat
Ayaw kong tignan kahit laging nakamulat
Alam ko na ang siyang nilalaman ng sulat
Mabigat pero 'di na magugulat
Hinihintay kita makauwi
Lumuluha kahit nakangiti
Lungkot na palagi kong buhat 'di ko masukat pilitin ko mang ikubli
Balita ko may sinasabi ang mga chismosa na ale
'Di ko inakala 'to grabe sa ulo ko ay may tae

[Chorus: Flow G]
Hindi ko alam kung pa'no nangyari 'to lahat
'Yung pinaghirapan natin dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari’t naganap
Kaya maging ako'y gulat na gulat
Mga alaala na nakakatakot maalala
Naranasan nating dalawa ng magkasama
Wala na, napalitan na ng lungkot ang ligaya 'yun ang 'di ko kaya

[Chorus: Flow G]
Hindi ko alam kung pa'no nangyari 'to lahat
'Yung pinaghirapan natin dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari’t naganap
Kaya maging ako'y gulat na gulat
Mga alaala na nakakatakot maalala
Naranasan nating dalawa ng magkasama
Wala na, napalitan na ng lungkot ang ligaya 'yun ang 'di ko kaya




No comments:

Post a Comment

Pages

COPYRIGHT 2020-2021 (Pinoy Trending Lyric Stuffs)
Crafted with by OPM Songs | Shared by

Pinoy Trending Lyric Stuffs